Sigma Rho, itinakwil ni Jovito Salonga
Nagbitiw na kahapon sa Sigma Rho Fraternity si dating Senate President Jovito Salonga dahil sa pagkakadawit ng kapatiran sa pagkamatay ni Cris Anthony Mendez. Ayon kay Salonga, wala raw hazing noong panahon nila. Panoorin ang report ng GMANews.tv sa ibaba.
Sa pahayag ng isang Sigma Rhoan na si Ike Señeres, lumabas ang tunay na kulay ng ilang fraternity at ang sinasabi ni Prof. Luis Teodoro na pagbibigay ng mga fraternity ng “network of support and patronage from fraternity alumni in strategic positions in government, the professions and industry.”
“Hindi na niya kailangan siguro… Hindi na siya pulitiko. Hindi na siya tumatakbo. Hindi na niya kailangan ‘yung tulong ng frat… Sana magbilang siya kung ilang beses siyang tinulungan,” pambabaoy ni Señeres kay Salonga.
Sabi pa niya: “Mali nga siya. Ba’t siya naghusga, hindi naman siya judge.”
Labing-anim na taon na mula ngayon, isa si Salonga sa tinatawag na Magnificent 12–ang 12 senador na bomoto para wakasan na ang pananatili ng base militar ng Estados Unidos sa Pilipinas. Kasama rin ni Salonga sa grupong iyon sina dating Senador Wigberto Tañada, Teofisto Guingona, Aquilino Pimentel at Joseph Estrada.
Ang iba pang kasama sa Magnificent 12 ay sina Butch Aquino, Sotero Laurel, Victor Ziga, Juan Ponce Enrile, Rene Saguisag, Ernesto Maceda at Orlando Mercado.
Sina Guingona at Pimentel, kasama sina Raul Roco, Loren Legarda, at Sergio Osmeña III naman ay bomoto laban sa US-RP Visiting Forces Agreement noong May 27, 1999.
Related Entries:









September 16th, 2007 at 9:42 pm
Sana lang makonsensya na yung mga taga Sigma Rho ngayon na lumantad at patunayan nga na wala itong kinalaman sa pagkamatay ni Cris Mendez.
Ganoong kasimple lang naman ang kailangan nilang gawin.
September 17th, 2007 at 6:00 pm
Isa lang ang maaari kong itawag sa Sigma Rho na yan, mga sindikatong may mataas na pinag-aralan.
September 17th, 2007 at 9:38 pm
@jhay: Sana nga…
@Schumey: Seekers of the Right daw sila, eh.
October 2nd, 2007 at 11:06 am
hindi kayo marunong mag handle ng pledge!!!
October 2nd, 2007 at 11:54 am
Ano ang ibig mong sabihin, Abdul Jalil?
October 2nd, 2007 at 9:05 pm
tanga nio sigma rho fraternity…….over kayo
October 2nd, 2007 at 9:06 pm
naka patay pa kayo……..di talaga marunong mag handle ng pledge
October 2nd, 2007 at 9:07 pm
SUMUKO NA KAYO….
October 16th, 2007 at 5:09 pm
TSK, TSK TSK!!! THE FALL OF SIGMA RHO HAD BEGUN!!! IKINASUKLAM NA NILA SALONGA AT ENRILE!!! WALA KAYONG KWENTANG FRAT!!! KAKAPAL NG MGA MUKHA!! KAYO NA ANG NAKAPATAY , KAYO PA MAY LAKAS NG LOOB NA IHABLA ANG U.P. ADMI!!! PWEHE!!! EKIT ANG MAGALING NA FRAT!!! BROD JARIUS BONDOC SA SENADO 2010!!
October 20th, 2007 at 7:47 pm
as if hindi rin kayo nananakit….the truth is that, inggit kayo sa sigma rho….thats it!!!
November 21st, 2007 at 10:20 am
wag na kayong pumasok sa frat sa mga wiiling pumasok!!
November 26th, 2007 at 1:44 pm
loso njo mga sigma rho.
February 8th, 2008 at 7:51 am
SIGMA RHO IS A DYING FRATERNITY!!! RUSTY,DUSTY AND CRUMBLING!!! THEIR STALWARTS ARE OLD LIKE ANGARA AND ENRILE! DRILON IS NO LONGER IN POWER! YOUNG TURKS LIKE FORMER DND SEC NONONG CRUZ IS NO LONGER IN POWER! VICE GOV ROLEX SUPLICO IS TRYING HARD TO BECOME POPULAR SO THAT HE CAN RUN FOR SENATOR IN 2010 BUT HE DOES NOT THE CHARISMA !!! SIGMA KAPPA PI IS THE FUTURE OF THE PHILIPPINES!!! BROD JARIUS BONDOC FOR SENATOR 2010 MAYOR RECOM ECHEVERRI FOR SENATOR 2013!!!! NATIONALISM, SERVICE , BROTHERHOOD!!!! GO GO EKIT!!!
February 16th, 2008 at 5:35 pm
i agree u aries12