Pagsabog sa Batasan
(Updated Nov 14 11:01pm) Apat ang patay, kabilang ang isang mambabatas at di bababa sa 13 ang sugatan sa isang pagsabog na naganap ngayong gabi sa loob ng House of Representatives, ayon sa mga balita.
Sa ulat ng GMANews.tv, namatay sa ospital si Julasiri Hayudini, staff ng pumanaw ring si Basilan Rep. Wahab Akbar. Kapwa sila malubhang masugatan sa pagsabog.
Ang unang biktimang binawian ng buhay ay si Marcial Taldo, drayber ni Gabriela party-list Rep. Luzviminda Ilagan na nasaktan din sa pagsabog. Namatay din si Maan Bustalino, staff ng sugatan ding si Negros Oriental Rep. Pryde Henry Teves.
Isang atake sa House of Representatives at terrorist act ang naganap, ayon kay House Speaker Jose De Venecia. Iniutos naman ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Philippine National Police na imbestigahan ang pagsabog.
Ayon pa sa mga ulat, naka-full alert na ang PNP at maglagay sila ng mga checkpoint sa Kamaynilaan. Iimbestigahan din ang nasunog na motorsiklo sa lugar ng insidente na posible raw ginamit sa pagpasok ng mga pampasabog.
Narito ang Flash Report ng GMA-7:
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
Related Entries:









November 13th, 2007 at 10:13 pm
Like Speaker De Venecia said, it’s not a grenade. I believe so. It’s terrorism. Again.
November 13th, 2007 at 10:26 pm
Wala talagang kapaguran ang mga kaaway ng kapayapaan.
November 14th, 2007 at 1:02 am
IED or ordnance?
whatever it was, with all the shrapnel injuries, it seems fairly clear that the intent was to maim and kill, and not just scare or cause panic.
November 21st, 2008 at 3:51 pm
Batasan Bombing @ Piercing Pens
Global Voices Online » Philippines: Bloggers Take on Blast at Legislative Building
tonyocruz.com » Philippines: Bloggers Take on Blast at Legislative Building