April 22nd, 2008
Oyayi sa Mundo
Oyayi sa Mundo
Buklod/Noel Cabangon
Sa duyan ng kalawakan
Hayaang maghilom ang mga sugat sa ‘yong dibdib
Na likha ng mga tao
At itigil nang ’sang saglit ang iyong paggalaw
Pagkat sa muli mong pag-inog ay may bago nang buhay
At itigil nang ’sang saglit ang iyong paggalaw
Pagkat sa muli mong pag-inog ay may bago nang buhay
Aking mundo
Ihimlay ang pagal mong katawan
* Pakinggan ang version ni Noel Cabangon sa JoeyAyala.com
April 17th, 2008
Populasyon ng Pilipinas: 88,574,614
Umabot na sa 88,574,614 ang mga Pilipino noong Agosto 1, 2007, base sa 2007 Census of Population na isinagawa ng National Statistics Office (NSO).
Ang opisyal na bilang na ito ay pinagtibay ng na nilagdaan ni Gng. Arroyo noong April 16, 2008.
Basahin ang press release ng NSO tungkol dito.
April 16th, 2008
‘Nang dahil sa pag-ibig’, Palm Centro at PBA
Bukas muna ang sari-saring kuwento. Plugging muna ako. Ngayon ko lang nai-upload sa Titik ni Ederic ang “Nang dahil sa pag-ibig”, na noong Pebrero ko pa naisulat para sa Pinoy Gazette.
Sa MakaPalm naman, bagong balita ang pagdating sa Pilipinas ng Palm Centro.
At nabalitaan na rin ng Manila Blog Times, ang pagbubukas ng nominations sa Philippine Blog Awards.
April 15th, 2008
Hindi pa handa ang Pilipinas sa cashless shopping
Noong unang i-offer ng Unionbank ang EON Cyber Account, bentang-benta ito sa akin. Dahil wala pang credit card company na gustong mag-approve sa applications ko, ang EON Visa ang nagbigay ng kaunting katuparan ng aking pangarap na digital/cyberlifestyle sa dialup lang na connection ko noon. Gaya ng credit card, puwedeng gamitin ang EON sa pagbabayad online. Ang kaibahan lang, dapat ay may pondo ang cyberaccount mo para maisagawa ang transaksyon.
Asteeg na sana. Yun nga lang, tatatlo lang ata ang UnionBank sa buong Metro Manila kaya’t di ako makapag-deposit — at wala rin namang masyadong pan-deposit, kaya nag-expire lang ang account ko. Nang lumipat ang opisina namin sa Makati, kumuha ako ng isa pang account, pero ganoon din ang nangyari. Ngayon, ang cards nito ay bahagi na lamang ng aking collection.
April 14th, 2008
Nadiligang doorbell
door·bell /ˈdɔrˌbɛl, ˈdoʊr-/ [dawr-bel, dohr-]
–noun
1. a bell chime, or the like, at a door or connected with a door, rung by persons outside wanting someone inside to open the door.
–verb (used without object)
Source: Dictionary.com
Gaya ng ipinapaliwanang sa itaas, ang doorbell ay yung bagay na paulit-ulit na pinipindot ng isang bisita upang malaman ng mga nasa loob ng bahay na naiinip na siya sa paghihintay sa labas. Ito rin ang pinagti-trip-an ng makukulit na bata kapag madaling araw para makapang-istorbo ng mga natutulog. Ito rin ay napapasama minsan sa mga dinidilig ng mga kapitbahay.
Doorbell ang obsession ko nitong mga nakalipas na araw.












