About

Ako si Ederic Penaflor Eder.

Manunulat
“You write like there’s no tomorrow,” minsa’y isinulat tungkol sa akin ng isang kaibigan. Pero kapag iniisip ko ngayon, parang lagi ko atang sinasabing “I’ll write it na lang tomorrow.” Sana magbago na ako. Hehe

Mahilig akong maghabi ng mga salita, kapwa sa pagkukuwento o pagbabalita. Filipino ang wikang ginagamit ko sa pag-iisip at pagsasalita, at buong layang dumadaloy sa aking diwa ang wikang ito sa tuwing ako’y nagsusulat. Gustung-gusto ko ring magbasa ng mga aklat, diyaryo, magazines, at iba’t ibang babasahin, sa Tagalog o Filipino man o English.

Marinduqueño
Mula ako sa isang munting baryo sa bayan ng Santa Cruz sa hugis pusong lalawigang pulo–ang Marinduque–sa kalagitnaan ng 7,107 kapuluan ng Pilipinas. Hindi pa ako nakapanood ng pugutan o ng buong Moriones Festival.

MorionSa aming baryo, halos lahat ng mga tao ay magkakakilala. Isang sakay lang sa jeep at nasa tabing-dagat ka na, at may mga bundok at kuwebang maaaring galugarin. Noong paslit pa lamang ako, paborito kong panoorin ang pagsikat ng araw mula sa pasamano ng balkon sa maliit naming bahay; gustung-gusto kong makita ang pagsabog ng ginintuang liwanag habang pinaliliguan nito ang mga dahon ng mais, mani, at iba pang halaman sa paligid ng aming bahay.

Ulilang lubos na ako, at laki sa lolo at lola. Hindi pa man ako nag-iisang taon ay namaalam na ang aking ama. Aking ina naman ay pumanaw sa isang aksidente sa dagat habang nang nagmamadali siyang bumibiyahe patungong Maynila upang makapag-apply ako sa isang journalism scholarship grant sa Unibersidad ng Pilipinas. Ngunit sa kabila nito, ako’y pinagpala. Pumanaw ang aking ina na ang inaalala ay ang aking kinabukasan.

Taga-UP
Peryodismo ang kursong tinapos ko sa Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon sa UP, at naging guro ko si Prof. Luis Teodoro. Ang UP Moriones, org ng mga Marinduqueño sa UP, UP Oblationang naging home away from home ko. Dahil laging contestant sa Math Olympiad noong high school, naging founding member ako ng UP Isipnayan, isang mathematics club. Sumali rin ako sa UP Journalism Club, ang samahang nagtuturo ng critical thought and action. Sa isang event ng UPJC ko nakilala si Mhay. Naging patnugot ako ng Tinig ng Plaridel at dinala ko ito online sa pamamagitan ng una nitong website. Ilang buwan din akong nagsulat sa Philippine Collegian.

Natutuwa pa rin ako tuwing pumupunta sa UP. Ang ikinadidismaya ko lang, dahil medyo tumatanda na ako ay wala nang pamilyar na mga mukhang nakakasalubong, di gaya noong kakapagtapos ko lang na kahit saang sulok, pati sa jeep na Ikot, ay may ngingiti at babating kakilala o kakilala sa kahit sa mukha lamang.

Katoliko
Romano Katoliko ako at tagahanga ni Pope John Paul II. Sinusubaybayan ko ang mga kaganapan at mga hakbang na isinasagawa tungo sa pagkakaisa ng Kristiyanismo at lalong pagkakaunawaan ng iba’t ibang mga pananampalataya.

Maraming taong naglingkod sa Simbahan bilang coordinator ng mga Katekista sa aming parokya ang aking ina. Kahit nang pumanaw na siya, kilala pa rin ako ng mga katekista sa amin bilang si Otoy, ang kaisa-isang anak ng kanilang Sister Evelyn, na walang pag-aalinlangang bibisitahin kahit ang malalayong pulong barangay sa aming bayan para gabayan ang mga katekista. Lagian pa ring bisita ng opisina ng parokya si Nanay Diding, hindi lamang dahil regular siyang nag-aalay ng misa, kundi dahil siya ay ina ng Tita Evelyn ng mga tauhan ng parokya. Si Tatay Andoy, na noo’y may iniingatang larawan ni Pope John Paul II sa kanyang altar, ay mayroon kamag-anak na pari. At Noong bata pa ako, binigyan ako ni Sister Paula, MCST, ng isang stuffed toy na kabayo, na anging paboritong laruan ko.

Ang compound na kinaroroonan ng Simbahan at mga kumbento sa aming parokya ay nagsilbing palaruan ko. Doon ako dumalo sa kayraming mga misa, seminar, Christmas party, at iba pang pagtitipong sinalihan ng aking ina.

Pero bagamat Katoliko, intresado ako sa reincarnation. Noong nasa kolehiyo ako, gumawa ako ng isang paper na naghahambing sa reincarnation at purgatoryo. Masuwerteng bilang ko ang 13.

CyberBoy
Adik ako sa Internet, at ngayon, sa Twitter. Fan na fan ako ng Google.

Patnugot ako ng Tinig.com, isang youth-oriented e-zine. Kasapi ako ng TXTPower, at siyang nag-aasikaso ng website ng grupo. Kabilang sa mga websites na inaasikaso ko ang LuisTeodoro.com, PinoyEbooks, UPAlumni.net, at Our Daily Txt. Nagsusulat din ako sa Peyups.com.

Mahilig din ako sa gadgets. Kasapi ako ng Mapalad.org, grupo ng mga Palm users sa Pilipinas. Nokia 7100 ang paborito kong cellphone. May Treo 650 na ako ngayon.