Archive for the ‘Tinig.com’
Published August 20th, 2007
Proyektong Malu Fernandez
August 27 update: Malu Fernandez vs OFWs
August 24 update: Pakibasa rin po ang Public apology ni Malu Fernandez
Habang pinag-uusapan pa rin sa iba’t ibang sulok ng Philippine blogosphere ang pagpapatawa ni Malu Fernandez, tuloy ang kampanyang boykot ng Tingog.com. Ang iba, sumusugod na sa Multiply site ng People Asia.
Ang Tinig.com naman, mayProyektong Malu Fernandez. Mula ito sa mungkahi ni Benj Espina at sumusunod sa tradisyon ng mga writing project ng Digital Filipino.
Titipunin sa Tinig.com Blog ang reaksyon ng Pinoy bloggers sa isinulat ni Fernandez. Pagkatapos, pipili ang bloggers mismo ng 10 entry na pinakagusto nila. (more…)
Published July 7th, 2007
070707
070707 pala ngayon–Hulyo 7, 2007.
May article sa GMANews.tv: Will 7-7-07 be your lucky day?
May rele naman kaya ang araw na ito sa 03.03.03 stories… ni [Kuya] Jon na tambay ng Pinoy Exchange at magsusulat na rin sa Tinig?
Noong Pebrero 2, 2002, may isinulat ako rito tungkol sa petsa dahil naman sa PEx Wireless Journal entry ng isa ring ka-Tinig na PExer, si walangdila.
Kayo, kumusta ang 070707 ninyo? ![]()
Published March 16th, 2003
Muling Lumilipad si Darna
Muking lumilipad si Darna, ang Pilipinang superhero na nilikha ni Mars Ravelo at namayagpag sa daigdig ng komiks, pelikula, at telebisyon mula pa dekada 50.
“Dumarating ako sa ngalan ng kapayapaan at katarungan… Pumarito ako upang labanan ang kadiliman,” ang pahayag ni Darna sa pinakabagong komiks na nagtatampok sa kanya, ang “Mars Ravelo’s Darna Golden Anniversary Book” ng Mango Comics.
Ang “Mars Ravelo’s Darna” ay isang serye na may tatlong bahagi, at nilikha para sa bagong salinlahi ng mga mambabasa. Si Boboy Yonzon ang smulat ng kuwento at ang mga larawan ay iginuhit naman nina Ryan Orosco at Gilbert Monsanto. Inilalarawan ng bagong komiks–na sa kasamaang palad ay nasusulat sa wikang English, ngunit may pailan-ilang tilamsik ng Tagalog mula sa mga terorista at alalay–sina Darna at Narda bilang makabago, maganda, matalino, at seksi ngunit matapang at palabang babae. (more…)
Published August 25th, 2002
Tinig.com forums is now up!
Tinig.com Forums is now up and running. I wish to thank John Guthrie, who so thoughtfully bothered to backup our data an hour before the server went down. Maraming salamat at mabuhay ka, John!












