Published March 27th, 2008
Si Janina San Miguel at ang misedukasyon ng Pilipino
“In exchange for a smattering of English, we yielded our souls.”
— Renato Constantino, The Miseducation of the Filipino
Mula sa blog ni AJ, nalaman kong may petisyon na pala para palitan si Janina San Miguel bilang Binibining Pilipinas-World. Para sa maraming Pilipino, tila bukod sa boksing ay mga patimpalak ng kagandahan na lang yata — at ang husay sa pagsasalita sa English — ang pag-asa ng bansang ito.
Gustong palitan ng mga may-akda ng petisyon si Janina dahil sa kakulangan niya ng kakayahang mag-English, na nakita sa kanyang sagot sa question and answer portion ng Bb. Pilipinas 2008.


Para bang kulang pa ang lahat ng galit at panlalait na natanggap niya nang insultuhin niya noong isang taon ang mga OFW, muling humirit ang socialite at lifestyle columnist na si 









