Published September 6th, 2007
Hindi ako si Boy Bastos
“Hoy, boybastos.com… Musta na?” text sa akin kanina ng isa sa mga kababata at kaibigan ko. Napanood niya kasi ito:
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
Update: Lumabas na rin ang report sa Saksi.
Bago lumabas ang pahayag ni Senador Loren Legarda tungkol sa boybastos.com noong Setyembre 5, isa lamang ang website na ito sa napakaraming online community ng mga Pinoy. Maaaring hindi ito kasingsikat ng PinoyExchange.com na tambayan ni aajao, pero di hamak na mas matao ito kaysa sa aking Tinig.com.
Pero kakaiba ang boybastos.com na puno ng mga balita tungkol sa mga tsiks at Boy Bastos jokes–para ito sa mga taong malilibog (’ika nga nila, sino ba ang hindi?)!








