Archive for the ‘Biyahe Tayo’


Published January 25th, 2008

Happy Slip on 24 Oras

Cybercelebrity Christine Gambito, popularly known on the Web as “Happy Slip”, appeared in a 24 Oras story about the launch of the Department of Tourism’s “virtual travel mall” website. Happy Slip is in the Philippines to help the DOT in its efforts to attract more visitors to the country.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

(more…)

Published June 14th, 2007

Beach tayo!

Sa Poctoy White Beach, Torrijos, Marinduque. Pumunta kami roon earlier this week.

Published May 21st, 2007

Bakasyon sa Baguio

Bago mag-eleksyon, nagbakasyon kami ni Mhay at ng mga magulang niya sa Baguio, ang tinatawag na summer capital of the Philippines. Ihahabol ko ang kuwento. Eto muna ang mga larawan ng masayang gimik.


Sa Official Google Blog ko natutunan kung paano mag-embed ng slideshow mula sa mga larawan ko sa Picasa Web Albums.

Published April 27th, 2007

Bakasyon

(Unang nalathala sa Pinoy Gazette)

Kahit nakakapagod, masaya ako’t nakauwi’t nakapagbakasyon ako sa Marinduque nitong nakalipas na Semana Santa. Bago ito, hindi bababa sa tatlong magkakasunod na Holy Week na ang lumipas na hindi ko nagugol sa amin sa Marinduque dahil sa trabaho ko rito sa Maynila.

Sa pagkakaalala ko, ang huling Semana Santa na ginugol ko sa Marinduque—maliban sa ngayong taon nga—ay noon pang 2002. Umuwi ako kasabay ang mga kaibigan ko sa Peyups.com. Medyo napahiya nga ako dahil parang penitensya ang biyahe. Matapos maghintay nang mahigit kalahating araw yata sa pier, nagmukha kaming mga refugees na may katiting lamang na espasyo sa sinakyan naming bapor. Pagdating sa Marinduque, namalagi kami sa isang isla at nag-overnight doon. (more…)

Published February 20th, 2007

Narito na naman ako

Akyat

Halos dalawang linggo rin pala akong hindi nakapag-blog. Umuwi ako sa Marinduque noong isang linggo para makipaglibing kay Tiya Maria, kapatid ng lolo ko.

Nitong nakalipas na weekend, nasa Marinduque na naman ako para naman sa isang istoryang ginagawa namin sa opisina. Kuha nga sa niyugan sa amin ang larawan sa itaas. Umaakyat sa puno ng niyog ang isang batang pinsan ko.

Matapos ang mga biyaheng iyan, balik-lungsod na ako ulit, at sana, balik-blog din.