Archive for the ‘Bench at Jollibee’


Published April 13th, 2008

Goodah!!!

Nostalgia Manila mode muna ako.

Noong Biyernes na gabi, pagkagaling sa opisina ay naglakad lang ako pauwi. Hindi kasi ako agad makaisip ng lugar na makakainan. Lumampas na ako sa tapat ng tirahan ko, kaya’t kako’y sa isang manukan malapit na lang sa amin ako kakain. Nang patawid na ako, saka ko naalala na may Goodah!!! malapit sa doon. Nilakad ko ang direksyon papuntang Goodah!!! Kamuning.

Noong mid-90s at nasa kolehiyo pa ako, kumakain kami paminsan-minsan ng isang kabarkada ko sa Goodah!!! sa Katipunan. Kung hindi ako nagkakamali ng pagkaalala, naisama pa namin minsan ang isang magandang kaklase namin sa Social Work (na nabanggit ko sa post na ito) na noo’y problemado sa puso, at inaliw namin siya sa Goodah!!! O baka naman nag-iimbento na lang ang alaala ko. Kalaunan ay nagsara ang branch na ‘yun.

(more…)

Published December 16th, 2007

Mga naisip habang nasa mga mall

Kahapon, namili kami ni Mhay sa Trinoma ng ilang pangregalo. Kanina naman, sa Gateway kami. Narito ang ilang random thoughts ko habang nagmo-malling at comments tungkol sa ilang produkto at brands. Dapat ay imo-moblog ko, kaso baka matalisod ako habang nagta-type sa Treo ko, kaya tinandaan ko na lang.

  • Concerned ang pamunuan ng Landmark o Trinoma sa customers nila. Ihinahatid ang mga mamimili hanggang sa sakayan ng taxi at istriktong binabantayan ng mga gwardya ang pila sa taxi para masigurong maayos na makakasakay ang customers.
  • Marami talagang mapagpipillian sa Landmark.
  • Mahina ang aircon sa Bench stores, lalo na sa Gateway branch. Ilang minuto pa lang kaming tumitingin ng mga damit, pinagpapawisan na ako at kailangang tumapat sa electric fan.
  • Pero asteeg yung eco-friendly bag nila in gold and silver. P35 lang. Napuna at nagustuhan nga ng mga taga-Dickies. (more…)

Published September 10th, 2007

Be Bench

September 12 update: Panalo sina Regine at Carlo! :)

Grand finals na ng Be Bench Model Search sa September 11. Sa mga babae, pinaka-okay si Regine Angeles. Panlaban naman ang katawan ni Michelle Carbonell. Sa mga lalaki, mahusay si Ron Morales pero bagay ring Bench model ang pinakabatang si Carlo Guevarra.

(more…)

Published April 21st, 2007

Sana Maulit Muli–ang pagwawakas

Kagabi, sa pagwawakas ng Sana Maulit Muli, siguradong masasaya ang Kimerald fans–o mga tagahanga nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Pero ang maraming mga manonood, naasar naging takbo ng huling bahagi ng kuwento.

Lagi kong sinasabi na ang magandang ending ng isang palabas ay ‘yung hindi ini-expect. ‘Yun bang tipong masasagasaan ng bus, tapos tapos na. Parang ganoon din naman ang nangyari sa SMM. Naaksidente rin sila ng isang trak o van na nawalan ng preno.

Sa episode bago ang pinakahuli, namatay si Travis Johnson, at tumalon naman mula sa rooftop ng isang gusali si Jasmine Sta. Maria. Akala ko tuloy, mamamatay sila pareho. Siyempe, malungkot iyon, pero okay na rin sana–at least magkasama pa rin sila. (more…)

Published March 5th, 2007

Bench, Jollibee naman sa I-Witness

Image from Bench | Hosted by Photobucket - Video and Image Hosting
Kanina, nang ihatid kami ng Kuya ni Mhay sa terminal pabalik sa Maynila, dumaan ang kotseng sinasakyan namin sa Jollibee sa tapat ng terminal, at ang kasama naming dalawang taong gulang na nakababatang kapatid ni Migmig ay napabulalas ng “Jollibee!”–pero siyempre, hindi pa buo ang salita. Sa tingin ko, ang Jollibee ang isa sa mga salitang may tatlong pantig na pinakaunang natututunan ng mga batang Pinoy, lalo na ng mga taga-lungsod.

Naalala ko tuloy si Piolo, ang anak ni Ate Nikki na may-ari ng carinderia na kinakainan ko dati sa Novaliches. Mula sa Jabi, naturuan ko siyang bigkasin nang buo ang Jollibee. Tunay ngang bahagi na ng panlasang Pilipino ang Jollibee. (more…)