Archive for the ‘Bayani’


Published August 21st, 2007

Ninoy

I cannot in all conscience remain silent while a ruthless dictator rules in my country which has become a garrison state. –Benigno “Ninoy” S. Aquino, Jr.

Ninoy Aquino

(more…)

Published August 22nd, 2006

Ninoy

(Unang nalathala sa Pinoy Gazette)

May natanggap akong text joke noong isang araw. Wais daw si Lumen, kasi nung hinoldap ang bus na sinasakyan niya, palihim niyang ipinasok sa kanyang panty ang 500 piso. Kaya lang, nung kunin na raw niya ulit yung pera, nakalabas na ang dila ni Ninoy!

Tila si Ninoy ay kilala na lamang ng marami sa atin–lalo na ng mga kabataan–bilang ang “malungkot” na tao sa 500 piso, o kaya’y ang tatay ni Kris Aquino. Sabagay, 23 taon na mula nang paslangin si Ninoy sa paliparang ngayo’y nakapangalan na sa kanya.

Si Ninoy ay anak ng isang senador at apo ng isang rebolusyunaryo. Maginhawa ang nakamulatan niyang buhay. Astig ang record niya: teen-ager pa lang, nag-cover na ng Korean War para sa pahayagang Manila Times. Naging negosyador siya sa pagsuko ng liderng Huk na si Luis Taruc kay Pangulong Ramon Magsaysay. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas, at nabigyan ng fellowship grants sa Harvard University at Massachusetts Institute of Technology. (more…)

Published September 13th, 2005

Haydee Yorac, isang inspirasyon

(Ang sanaysay na ito ay unang nalathala sa Pinoy Gazette at ipinost sa ederic@cyberspace noong October 13, 2004 @ 08:06. Muli itong inilalathala bilang pag-alaala kay Haydee Yorac.)

Haydee Yorac photo from RMAFMay mga nagsasabing habang nagkakagulang daw ang isang tao, unti-unti ring nawawala ang kanyang ideyalismo. Maaaring totoo iyan sa karamihan. Pero hindi sa ilan, tulad ni Haydee Yorac, tagapangulo ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) mula 2001 at Ramon Magsaysay Awardee for Government Service ngayong taon.

Noong Sabado, napanood ko ang ilang bahagi ng panayam sa kanya sa CNN Talk Asia. Ikinuwento niya kung paano siya nakapanghatak ng mga kabataang abogado mula sa UP College of Law na karamiha’y mga dati niyang estudyante. Natuwa at pinanindigan pa nga ako ng balahibo nang sabihin niyang naniniwala siyang hindi siya nag-iisa sa kanyang ideyalismo at kailanma’y di siya nawalan ng pag-asa. (more…)

Published June 28th, 2005

Jaime Cardinal Sin

Inilibing na kanina si Jaime Cardinal Sin. Siguro hindi tayo masasanay sa katotohanang wala na siya sa mundong ito. Tulad ng maraming mga dakilang tao na dumaan sa ating kapanahunan, mananatiling buhay si Cardinal Sin sa ating alaala at kasaysayan.

Nakasama siya ng ating mga magulang sa paglaban sa diktaduryang Marcos at sinunod ang kanyang panawagan sa EDSA People Power Revolution. Naroon din siya sa ating mga matsa sa Mendiola laban sa Cha-cha noong panahon ni Pangulong Ramos, at pagkatapos ay laban sa Concord ni Pangulong Estrada. Tinawag niya tayo papuntang EDSA Shrine noong People Power 2–pero ‘di niya tayo sinamahan sa Mendiola. (more…)