Published September 16th, 2007
Sigma Rho, itinakwil ni Jovito Salonga
Nagbitiw na kahapon sa Sigma Rho Fraternity si dating Senate President Jovito Salonga dahil sa pagkakadawit ng kapatiran sa pagkamatay ni Cris Anthony Mendez. Ayon kay Salonga, wala raw hazing noong panahon nila. Panoorin ang report ng GMANews.tv sa ibaba.
Sa pahayag ng isang Sigma Rhoan na si Ike SeƱeres, lumabas ang tunay na kulay ng ilang fraternity at ang sinasabi ni Prof. Luis Teodoro na pagbibigay ng mga fraternity ng “network of support and patronage from fraternity alumni in strategic positions in government, the professions and industry.”



May mga nagsasabing habang nagkakagulang daw ang isang tao, unti-unti ring nawawala ang kanyang ideyalismo. Maaaring totoo iyan sa karamihan. Pero hindi sa ilan, tulad ni 









