Published August 28th, 2007
Taste Asia 2
Dumalo rin kami ni Mhay sa ikalawang bloggers’ meet ng Taste Asia sa Mall of Asia. Yun nga lang, gaya noong una, maaga kaming umalis dahil may trabaho pa kami kinabukasan. Masarap ‘yung pagkain–mas gusto ko ‘yung mga ulam kaysa noong una. Kaya lang, parang kulang ang upuan.
Una kong nakita si Jhay, na gaya ko’y BK crew rin. Kasama niya ang admin ng Pinoy Money Talk, na gaya ko’y dating taga-Kule.
Habang kumakain kami, napadaan sa may amin ang TV personality/ blogger/ cyberceleb na si Benj, at siyempre, konting kuwento. Konti lang ba ‘yun? :p
Nang medyo lumibot kami ni Mhay para maghanap ng mauupuan, natagpuan namin sina Shari, Dr. Tess, Billycoy at Yoru. Nakausap ko rin sandali sina Jehzeel at Karlo.
Sayang at di kami nadako sa may Cliquebooth nina Karl and Mimi. Di ko rin tuloy nakita ang Peyups friends ko gaya nina Markku at Dax. Naroon din si Jeff, pero di kami nagkita.


Magkakaroon ng bagong hitsura ang Orkut–ang pantapat ng Google sa Friendster, Facebook, at MySpace. Dapat 





