Archive for July, 2007


Published July 30th, 2007

Top 10 Emerging Influential Blogs

Unang isinulat noong Hulyo 22 at binago ngayong ika-30 ng Hulyo, 2007

Hahabol ako sa The Top 10 Emerging Influential Blogs in 2007 ng Digital Filipino ni Janette Toral. Narito na ang kumpletong listahan ko:

An Apple a Day
Personal blog ni Aileen Apolo ng Google Pilipinas. Ayaw man niyang amining isa na siyang cyberceleb, sigurado akong maraming sasang-ayon sa akin na intresado ang Pinoy netizens sa mga saloobin ng kinatawan sa bansa ng pinakahinahangaang kumpanya sa mundo sa larangan ng teknolohiya.

Gibbs Cadiz
Naniniwala akong ang kay Gibbs Cadiz ang isa sa mga nangungunang lifestyle blogs ngayon. Mababasa rito ang pinakabago sa pelikula at tanghalan, gayundin sa aklat at musika. Tinutulungan tayo ng kanyang mga review at salaysay tungkol sa mga palabas, at inaaliw tayo ng kanyang samu’t saring mga kuwento.

(more…)

Published July 26th, 2007

Our Daily Txt

Gusto mo bang araw-araw ay may bagong text message na madi-display sa website mo? Posible ‘yan. Gamitin mo na lang ang code galing sa OurDailyTxt.com, isa sa mga sites ko.

From <a href="http://www.ourdailytxt.com" target="_blank"> Our Daily Txt </a>
<script src="http://feeds.tinig.com/ourdailytxt?format=sigpro" type="text/javascript" > </script> <noscript> <p> Subscribe to RSS headline updates from: <a href="http://feeds.tinig.com/ourdailytxt"> </a> <br/> Powered by FeedBurner</p> </noscript>

Etong sample:

From Our Daily Txt

 

Comment ka lang dito kapag ginamit mo sa site mo ang code, para mailagay kita sa blogroll ng Our Daily Txt.

Published July 25th, 2007

Eksenang SONA

Kung di n’yo pa nabasa ang SONA ni Pangulong Gloria, may kopya sa House of Representatives website.

Saka na natin talakayin ang talumpati ng pangulo. Panoorin n’yo muna itong hirit ni Senador Miriam Defensor Santiago. Aliw, ano po?


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Published July 23rd, 2007

Bulate docu

Galing sa GMANews.tv:

Kadiri ang tingin ng karamihan sa mga bulate. Ang popular na paniniwala, sila’y mga peste na kailangang patayin. Ngayong Lunes sa I-Witness matutuklasan ni Howie Severino na ang mga bulateng inaapi, may natatangi palang silbi.

Makikilala ni Howie ang mga taong tila inalay na ang kanilang buhay sa mga bulate. Isa na rito si Tony de Castro na umuwi sa Pilipinas mula Amerika para maipalaganap ang mabuting balitang hatid ng mga bulate. Sa tulong ng milyong-milyong bulate, nabuhay muli ni Tony ang tuyong lupain sa Tanay, Rizal. (more…)