May 9th, 2008
PETA’s theater-in-education courses
The Philippine Educational Theater Association (PETA) has announced that it is offering five-day courses on the use of creative means to teach.
Aside from offering regular theater and arts courses, PETA has also pioneered the Theater-in-Education (TIE) Courses to make classroom teaching more interesting and engaging by introducing creative means of teaching for regular subjects like Mathematics, English, Filipino, Science, etc.
Enrollment is still going on for the following classes:
May 2nd, 2008
Brian Gorrell sa News on Q
Ang blog ni Brian Gorrell, The NOT So Talented Mr. Montano?, ang itinampok kanina sa tech segment ng News on Q sa QTV-11.
Si Brian Gorrell ay isang Australyanong nagsasabing ninanakawan siya ng Pilipinong dati niyang boyfriend ng may 70 libong dolyar. Itinanggi naman ni Delfin Justiniano “DJ” Montano ang mga paratang ni Gorrell.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
Naging kontrobersyal ang blog ni Gorrell dahil bukod sa kanyang panawagang mabawi ang kanyang “life savings”, puno rin ito ng makakatas na tsismis tungkol sa alta sociedad ng Maynila, particular iyong mga tinatawag na “Gucci Gang.” (Itong Gucci Gang, sa sobrang kasikatan online, ay na-spoof na nga — kaya mayroon na ring blog entries tungkol sa Buchi Gang o Butse Gang).
April 29th, 2008
Web 2.0 at iblog 4 sa News on Q
Speaking of the Internet, ipinalabas kagabi ang bagong tech segment ni Michael Josh Villanueva a.k.a Cyberprince, tech guy ng News on Q. Dati ay may sikat na podcast si Josh, ang Hot Interesting Topics (HIT). Sa unang labas ng bagong segment ay ipinaliwanag niya ang Web 2.0. Itinampok dito ang panayam sa ilang bloggers na dumalo sa iblog 4.0, na dinaluhan din namin noong Sabado. Abangan ninyo ang mga susunod na labas ng segment na ito sa News on Q, which airs weeknights, 9:30pm, on QTV-11.
Nakapagsimula na ang iblog nang dumating kami ni Mhay (na nag-liveblog) sa UP College of Law Auditorium. Napakinggan namin sina Karlo Licudine (student to problogger), Juned Sunido (photoblogging), at Jonas Diego (web comics). Kinailangan naming umalis nang maaga upang mamili ng mga gamit sa apartment.
April 24th, 2008
Asteeg ang Internet
Kakatapos ko lang makipag-chat gamit ang pinakabagong feature ng Facebook kay Ate Dory, pinsang buo ng Mama ko na sa United Kingdom na naninirahan.
Hindi pa kami nagkita kahit kailan. Kahit sila ng Mama ko, di rin nagkakilala masyado dahil ang isa’y sa Marinduque lumaki, at ang isa ay sa Mindoro. Pero sabi ko nga sa kanya, lagi siyang nababanggit sa mga kuwento sa bahay, lalo na kapag tungkol sa mga nasa kamag-anak na nasa abroad ang usapan. So kahit di kami magkakilala talaga, parang kilala ko siya.
April 22nd, 2008
Oyayi sa Mundo
Oyayi sa Mundo
Buklod/Noel Cabangon
Sa duyan ng kalawakan
Hayaang maghilom ang mga sugat sa ‘yong dibdib
Na likha ng mga tao
At itigil nang ’sang saglit ang iyong paggalaw
Pagkat sa muli mong pag-inog ay may bago nang buhay
At itigil nang ’sang saglit ang iyong paggalaw
Pagkat sa muli mong pag-inog ay may bago nang buhay
Aking mundo
Ihimlay ang pagal mong katawan
* Pakinggan ang version ni Noel Cabangon sa JoeyAyala.com











